The Manang x FaDAL x Os

Unang Kabanata: FANMAILS: Noong unang panahaon, sa di kalayuan, tinta at papel, ang tanging nakagisnan, isulat’ilahad, pag-ibig na hangad, sa isang dilag na wagas ang kagandahan. Sa sulat kong ito, naway damdamiy’ mailahad, ikaw na sa puso ko na natatanging nakabihag, Oh, puso ko! Tibok mo’y aking ramdam, sa isang binibining ngalan, ay… Manang! — with Mark Tamayo.

Ikalawang Kabanata: SWEET16: “Sino ba sa kanila?” ang tanong ng isa, “Anong meron siya na wala sa iba?”, “Tama bang manligaw siya?” bigkas ng kabila!… “Mahal ka ba niya?” “May pag-asa ba? O wala?”… Mga katanungan sa isip ni Manang, mga kasagutan, atin kaya’y malalaman? — with Gerswin Qua.

 

Ikatlong Kabanata: MAY THE BEST MAN WIN: “Ako ay malakas, matipuno’t makisig!” … “Ako naman ay gwapo! Mga babae, naloloko!” “Ako din, mayaman, galante, sigurado yan!”… “Ako nama’y mabait! Sa ugali ko ay maaakit!” … Ito ang bigkas, ng mga binatang dumagsa … kay Manang may gusto, ang dami nga’t, sino kaya?! — with Nico Agustin.

Ika-apat na kabanata: I WILL GET HER: “Bahay ni Kuya sinuoong doon sa paroon, tangkad ay umikli, sa Pook Siyete ng ganon! Dito sa kastilyo, mga bubuyog ang kaibigan, dibdib ay nababalutan, rosas sa irog, ilalaan, Mga kaibigang insekto, ako kaya’y may pag-asa, sa puso ni Manang, sa tingin niyo, kaya ba?” — with Levenson Rodriguez and Bespoke Suit Levenson Rodriguez.

 

Ika-limang Kabanata: LOVE DOWN UNDER: Sa ilalim nanggaling, hindi sa balong malalim, sa lugar kong mahal, na kangaroo ang espesyal!, may Koala Bear din, bibong-bibo’t bundat! Ang kagandahan mo Manang, abot-abot hanggang ‘Outback’ … Ako ma’y lumipas, sa puso mo o kay saklap, ganda mo naman, siguradong Pak na Pak! — with Karl Leuterio and Mike Magallanes.

Ika-anim na Kabanata: IT’S RAINING MEN: Binata, Otoko, Boylets, Oh nama’y kaydami! … Ombre-Menchu at Boypren, dito dun,uy mekeni! … Lalake, lalake, woah! kalokah, ang dami!… Lalake, lalake, dito dun, kalurkei! — with Cherry Samuya Veric.

Ika-pitong Kabanata: THE MANANGS: Natural na ganda, kitang-kita sa gitna!, kabaita’y tanaw, ng madla araw-araw, kasungita’y taglay. Sa kabila ay mataray, Manang ma’y tao lang, Ganda nama’y walang humpay! — with Jilla Sara.

Ika-walong Kabanata: THE MANE EVENTIsa, dalawa, sige suklay pa, tatlo, apat, please lang, wag paawat, lima-anim-pito, masuwerte kang binatilyo, baka sa puso ko, ikaw ang panalo! — with Noelle Llave.

 

Ika-siyam na Kabanata: FOUNDATION DAY: Ilagay ang lipstick, ng berybery light!, idampi ang colorete, sa pisngi bright na bright! I-contour, nose-liner, sige put together! eyelashes ay tanaw man, doon hanggang Japan! Si Miming na muning, bakit nga ba nandito?, siguro inggit siya, sa ‘Ganda ng Lola mo!’ — with Dave Ocampo.

Ika-sampung Kabanata: THE FITTING: San na nga ba ang kasuotan, damit ko’y iladlad, gusto kong matanaw, ganda kong di hubad!, Naalala ko ‘to, baget’s days , yun!-Oo! Poker Face, Born This Way, Sa Karaoke ako’y naloko. Chun li puppy, aso ko, kalbo at mataba, lika na’t magbihis, tara na! go! Bilis! — with Jaz Cerezo.

Ikalabing-isang Kabanata: READY SET GO: Malaki man o maliit, enerhiya’y kailangan, para ganda ko’y tuluyang lumutang, lakas ay kailangan, para sa nagmamahalan, Idaloy mo enerhiya, sa aki’y ilaan! — with Cheetah Rivera.

Ikalabing-dalawang Kabanata: ON THE WINGS OF LOVE: Heto na, hayan na, nakapili na sa kanila! Fly fly na ko, float float parang lobo, tanaw ko! yun na nga, ang masuwerteng binata, konti pa, sige pa, pag-ibig nati’y isa na! — with Lizanne Cua.

Ikalabing-tatlong Kabanata: THE MANANG AND THE MANONG: Irog ko, dito nako! nasasaan ka ba? … Yun! ay, kita ko, sa ilalim, nakakaloka! Anu ba’t andiyan ka, strict parents ko sabi diba?! Holding hands, kiss sa cheeks, promise yan, may asim pa! — with Ulysses King.

Ikalabing-apat na Kabanata: THE MANONG | REVEAL: Puso ko, ninais, ng mga lalake o kay dami, Manong ko, ikaw ba ‘yan?! Nalito, sayong laki! Sa keychain ay lumayo, kasi, ikaw, baka mahalo, pero sa puso ko’y wagi, halika na’t magmadali. Sa hardin kung saan, halaman ko’y diniligan, Manang The Reveal, nagsimula, kalokaha’y minasdan. Ngayon ikaw Manong ko, alaga’y wagas todo todo. Nakita ko na, pag-ibig ko, I love you all. Thanks sa inyo! — with Clint Worm.

A collaboration project of FaDAL desginers with OS accessories and photographer Enzo Mondejar | stylist Eric Poliquit and HMAU Nina Dumpa

Short film by Matthew Valeriano
Written by Ehiacinth Miranda

Dear Manang I love you

(SOURCE)

***

Enzo Mondejar’s photography is absolutely eclectic and superb! I cannot imagine what went through his mind for him to come up with these images!!! Kudos for his creativity, and for the collaborators – Eric Poliquit, Nina Dumpa, FaDAL, and Vise Versa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s