GUEST POST: Ang Ulan at Ang Iyong Damdamin

Blogged originally at:

Pagsablay by Patricia San Jose

Aminin mo. Kapag umuulan ang sarap mag-emote. Pakiramdam mo nakiki-iyak sa iyo ang himpapawid, perpekto ang hangin na sinlamig ng iyong puso, at kasing lumbay ng paligid ang iyong kinabukasan. Wagas na wagas. Patanaw-tanaw sa bintana, pahiga-higa sa kama. Sa bawat pagtulala, parang inililipad ng maulang panahon ang iyong hinuha.

Kung mahusay ka at nais mong ipagpatuloy ang ganitong gawain, narito ang ilang mga awitin na sa tingin ko ay mas lalo pang wawasak sa katinuan mo:

1. Tuwing Umuulan at Kapiling Ka by Basil ValdezHanep na panimula ito sa iyong rainy day soundtrip. Ididikdik pa lalo sa iyong isip ang estado ng paligid mo, sabay banat ng mga hanep shits tungkol sa pagsinta. Pagkatapos mong pakinggan ang kanta, hindi mo maiintindihan kung kikiligin ka ba o malulungkot dahil sa mga naalala mo. At oo, ‘yung version talaga ni Basil Valdez ang nirerecommend ko dahil mas may dramatic effect talaga ang mga lumang ballads.

2. Chasing Cars by Snow PatrolAng kantang ito ay iimbitahin kang humilahod sa sahig at doon gumawa ng sariling monologue. Moda lang ng moda habang nakahiga sa semento. Parang ‘yung ginawa ng singer sa video. Tipmag-planking habang pinakikinggan ang awit na ito (mas extreme na shit, mas mahusay).

3. Love Is A Losing Game by Amy WinehouseIsang pagpupugay sa diyosa ng mga lasengga na si Amy Winehouse! Ang awit na ito ay talaga namang para sa mga sawi. Mainam na sabayan ng alak ang malungkot na melody ng kanta, tutal nakasalampak ka narin naman sa sahig dahil sa Chasing CarsTip: Maglasing tulad ng singer para sa full effect.

4. Nothing by The Script. Kung nalasing ka na habang pinakikinggan ang kanta ni Amy Winehouse, dito ka na sa The Script babagsak (kung hindi ka pa lasing matapos ang Love Is A Losing Game, ginagarantya ko na matapos ang kantang ito, aakyat lahat ng alkohol sa ulo mo). Isa ang The Script sa mga banda na kayang magpaluha kahit opening lines pa lang ng kanta (masyadong malupit ang album nilang Science and Faith; sinisisi ko ito sa pagkakaroon ko ng depresyon). Paalala: Iwasan ang paghawak ng cellphone, landline, o kung anumang kagamitan na maaaring maging daan sa pakikipag-usap mo sa iyong ex o kung sino mang “significant other”. Pigilan ang sarili. Ipagpatuloy ang udyok ng kanta kung nais mong mamatay sa kahihiyan.

5. Someone Like You by Adele. Tutal nasa realm na rin naman tayo ng break ups at pagkasawi, narito ang isang kanta na sadyang isinulat para sa mga taong pa-move on effect pero deep down inside ay nais namang maglupasay at magiiyak sa tuwing mauungkat ang kanyang tunay na nadarama (or kapag bumabagyo, at bored).

6. Here I Am by Air SupplyPustahan, hindi ka na makakaalis sa estado ng pagmumuni-muni tungkol sa nakaraan, at habang nariyan ka’t inaalala ang iyong mga kahapon, the best ang sabayan ito ng pagbirit ng Air Supply, ang bandang supplier ng pinaka bentang cheesy songs mula pa noong dekada otsenta. Sa sobrang cheesy na kanilang mga kanta, pwede na itong toppings sa pizza.

7. Save Me by QueenYou are on the roll baby! Naguumapaw ang 80′s sa mga awiting mainam sa pag-eemote tuwing tag-ulan. Habang pinakikinggan ang kantang ito ay mararamdaman ang presensya ng isa sa greatest rock stars na si Freddie Mercury (maaalalang siya ay namatay sa AIDS noong 1991; ano pa nga ba ang mas romanticized pa kaysa death ng isang rockstar?).

8. Let It Be by The BeatlesAt this point, alam kong stoned na stoned ka na. Tamado na pati ang iyong kaluluwa, at maaaring nakakakita ka na ng kung anu-anong aparisyon dahil sa iyong kalasingan (sa alak o sa kalungkutan/kasawian?). Sundin ang payo nila Paul McCartney at John Lennon. Let it be. Tip: Follow the light.

9. Emotions by Samantha Sang & Bee GeesKung sinundan mo ang ilaw, malamang sa puntong ito ay hinahanap mo na ang iyong minamahal, at siya ay iyong matatagpuan, at kayo ay magyayakap… Ngunit magigising ka sa katotohanang ang yakap mo ay ang iyong unang basa sa luha (o ng kung ano pa mang likidong pangkatawan, depende sa iyo). Jologs, pare.

10. You Give Love A Bad Name by Bon Jovi. Sa puntong ito ay kailangan mo ng magising. Sampalin ang pag-iisip sa pamamagitan ng makabasag-eardrum na awitin. Mag head bang. Iwaksi ang espiritu ng alak at ex-boyfriend/girlfriend. Ipagpatuloy ang paghe-headbang hanggang sa bumalik ang katinuan. Bumangon, tigilan na ang kalungkutan, at gumawa ng mga bagay na kapakipakinabang. Paalala: Nakaka-stiff neck ang matagal at tuloy-tuloy na paghe-head bang. Maaaring sa puntong ito ay hindi mo maramdaman, ngunit kapag nawala na ang alak sa iyong nervous system ay isusumpa mo ako dahil pinilit kitang kalugin ang iyong ulo. Kaya naman maghinay-hinay sa naturang pagkalog. Kung hindi mapigil, mag-antabay ng ibuprofen sa iyong tagiliran.

** Final message: Kung anuman ang iyong pinagdadaanan, kaya mo ‘yan. Hindi excuse ang ulan para ika’y manlumo sa kawalan. Malaki ka na.

Otherwise, mag-post ng comments sa ibaba at tayo’y sabay na magmoda. Happy Rainy Days! – PSJ

***

O di ba? Panalo lang ang playlist ni Patring na mahilig mag-moda-modahan! ALAMOYAN! Pero heto at umuulan pa. Hala, sige, monologue pa. On repeat mo pa. Ngawa pa. Keri lang yan, teh. Walang pipigil sa ‘yo. Sabi ko naman sa ‘yo ang booking ay booking, at hindi iniiyakan!!!

Chos!!!

Basahin ang iba pang nakakalerkey na bloggey ni Patricia San Jose sa http://pagsablay.wordpress.com. Ipinapangako namen ang kaligayahang hahanap-hanapin mo! Karnal pala?! Chareng, alam ko na nasa isip mo! HAHA!

O sya, sige na, chururus na!!!

***

THIS HAS BEEN ONE BECKY BLOG POST. 

Bow.

Advertisements

6 responses to “GUEST POST: Ang Ulan at Ang Iyong Damdamin

  1. patringsanjose

    Tounge ena, maximum satisfaction guaranteed?! Hahahaha! Salamat sa libreng advertisement!

  2. patringsanjose

    Shyehet, napaka-karnal kasi ng packaging mo sakin, napreysur ang hotness ko! Ahaha!

  3. Haha, natawa naman ako sa planking effect habang nag-eemote sa Chasing Cars!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s